Manila, Philippines – Naging mapayapa ang pagsasagawa ng unang araw ng four-Sunday 2018 bar examinations sa University of Santo Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar – walang naitalang untoward incident sa paligid ng campus.
Wala rin aniyang nakumpiskang ipinagbabawal na gamit mula sa mga examinees.
Bago ito, nagsagawa ang mga tauhan ng NCRPO ng inspeksyon sa UST campus para matiyak ang kaayusan at seguridad.
Sa loob ng nakalipas na apat na taon, ang mga bar takes ay required na gumamit ng transparent o see-through bag para sa security purposes.
Ipinagbabawal sa mga examinees ang pagdadala ng armas, smartphones, smartwatches, cameras, voice recorders at iba pang gadget sa loob ng unibersidad.
Tinatayang aabot sa halos 9,000 law graduates ang kumuha ng bar examinations.