Mar Roxas, pinasaringan si Dating Sen. Juan Ponce Enrile  

Pinatutsadahan ni dating Interior and Local Government Sec. Mar Roxas si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Ito’y matapos sabihin ni Enrile na dapat madiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Roxas at ang nakakulong na si Sen. Leila De Lima dahil sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa pamamagitan ng Twitter, binanatan ni Roxas si Enrile, aniya, ang mga dapat ipagbawal sa public office ay ang mga nagnakaw sa gobyerno, partikular ang mga may kaso ng pandarambong.


Giit ni Roxas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas ay walang lamat.

Tapat ang IRR sa GCTA Law at sa Revised Penal Code na hindi pagsama sa mga henious crimes convicts.

Si Enrile ay nahaharap sa 172 Million pesos plunder case sa sandiganbayan na may kaugnayan sa 10 Billion pesos Pork Barrel Scam.

Ang 95-anyos na dating Senador ay binigyan ng Korte Suprema ng pansamantalang kalayaan noong 2015.

Facebook Comments