Marabulig 1-Cauayan City, 1st Runner-up sa Fire Olympics sa Buong Lalawigan ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Pinarangalan ng Bureau of Fire Protection ng Lungsod ng Cauayan ang mga Barangay Officials ng Marabulig Uno matapos tanghalin bilang 1st Runner up sa isinagawang Fire Olympics sa buong lalawigan ng Isabela na ginanap sa bayan ng San Mateo.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Brgy. Captain Jaime Partido ng Marabulig Uno, malaki umano ang kanyang naging pasasalamat dahil napili at nanalo pa rin umano ang kanyang barangay sa naturang patimpalak.

Ayon naman kay Fire Senior Inspector Jamille Mae Baloran ng BFP Cauayan, pangungunahan na ng mga nanalong kumatawan sa Fire Olympics ng nasabing barangay ang pagsasagawa ng Fire Brigade sa nasabing barangay.


Ayon pa kay FSI Baloran, balak nilang magsagawa ng Fire Brigade sa ibang barangay dito sa Lungsod ng Cauayan upang makabuo na rin umano sila ng kanilang sariling Barangay Fire Brigade.

Facebook Comments