Apat na Drug Pusher, Timbog sa Drug Buy Bust Operation!

105

*Tuguegarao City-* Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 ang apat na tulak ng droga na kinabibilangan ng isang disi sais at disi syete anyos na binatilyo matapos matimbog sa magkakahiwalay-na Drug Buy Bust Operation ng kapulisan sa Brgy. Tuao at Piat, Cagayan.

Sa ipinadalang impormasyon sa RMN Cauayan, ang mga nadakip ay kinilalang sina Gerald Gaspar, disi nuebe anyos, Vincent Vicente, bente syete anyos at dalawang menor de edad na itinago sa pangalang “Boy Bann”, disi sais anyos at si “Kalbo Baldos”, disi syete anyos at pawang mga residente ng lalawigan ng Cagayan.


Nadakip sina Gaspar at Bann ng PNP Tuao matapos masamsaman ng dalawang piraso ng folded paper na naglalaman ng tuyong dahon ng Marijuana at dalawang piraso ng lighter.

Samantala, nadakip naman ng Piat Police Station sa ikinasang Drug Buy Bust Operation sina Vincent at Baldos matapos maaktuhan na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober pa mula kay Vincent ang isang sachet ng marijuana at buy bust money.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek na mahaharap sa kanilang kaukulang kaso.



Facebook Comments