Marahas na kilos protesta, naganap sa Italy dahil sa inilabas na kautusan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

Isang marahas na kilos protesta ang ikinasa sa Italy matapos na ipatupad ang bagong patakaran upang mapigilan ang second wave ng COVID-19.

Nagsimula ang kilos protesta nang ipag-utos ng gobyerno ng Italy ang paglalatag ng curfew at paghihigpit sa ilang health protocols.

Ilan sa mga kautusan ay ang pagsasara ng ilang restaurant, bars, gym at sinehan simula alas-6:00 ng gabi habang pinagbabawalan din ang publiko na bumiyahe sa ibang syudad at mananatili ang distance learning para sa mga estudyante.


Agad naman ipinakalat ng gobyerno ng Italy ang mga pulis sa mga syudad ng Milan, Turin, Naples, Palermo at sa Rome kung saan nagsasagawa ng kilos protesta ang ilang mamamayan na hindi sang-ayon sa inilabas na kautusan.

Facebook Comments