Maraming barangay sa Quezon City, makakaranas ng kawalan ng supply ng tubig hanggang Biyernes ayon sa Manila Water

50

Inihayag ng pamunuan ng Manila Water na simula kagabi nakakaranas na ng kawalan ng supply ng malinis na tubig ang ilang lugar sa lungsod ng Quezon.

Sa inilabas na abiso ng Manila water, magpapatupad sila ng pipe maintenance at repair activities sa maapektuhang mga lugar ng 11 barangay hanggang sa Biyernes, Pebrero 5.


Kabilang sa maapektuhan ng pansamantalang water service interruption ang mga Barangay Culiat, Mariana, Holy Spirit, Bagong Pagasa, Pasong Tamo, St. Ignatius, Libis, Blue Ridge B, Bahay Toro, South Triangle at Barangay Tandang Sora.

Ngayon pa lang ay pinapayuhan na ng water concessionaire ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig na magagamit.

Facebook Comments