Maraming bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2025, naitala ng COMELEC sa dalawang dating kampo ng MILF

Nasa daan-daang indibidwal ang nakibahagi sa ipinatutupad na Register Anywhere Project ng Commission on Elections (Comelec) sa dalawang dating kuta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao del Norte.

Sa datos ng COMELEC sa unang araw ng pagpapatala, umabot sa 458 ang nagpatala sa Camp Darapanan habang 244 naman sa Camp Abubakar.

Ayon kay Attorney John Rex Laudiangco, spokesman ng COMELEC, mas marami ito kumpara sa inaasahan nilang bilang.


Sa Camp Darapanan, 198 ang nagpalipat mula sa ibang distrito o bayan habang 172 ang mga bagong aplikante.

Sa Camp Abubakar naman, nasa 138 ang mga bagong nagparehistro habang 87 ang lumipat ng distrito at munisipalidad.

Sinabi naman ni COMELEC Chairman George Garcia na mas marami pa sana ang magpapatala pero nakita nilang mga menor de edad ang mga ito.

Facebook Comments