Maraming hospital sa Metro Manila, posibleng malagay sa peligro sa susunod na dalawang buwan ayon sa UP Octa research team

Posibleng malagay sa peligro ang maraming hospital sa Metro Manila sa susunod na dalawang linggo, sakaling magpatuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang ibinabala ng University of the Philippines Octa research team kasunod ng ulat na naabot na ng ilang hospital sa Metro Manila ang kapasidad nito dahil sa pagdami ng nagpopositibo sa virus.

Ayon sa UP Research Team, nangangamba sila na pati healthcare workers at non-COVID-19 patients ay maaapektuhan ng pagtaas ng kaso.


Tumaas din sa 15% ang positivity rate ng COVID-19 na dati ay nasa 5% lamang.

Samantala, nanawagan ang ilang healthcare workers kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ito’y para mabigyang pagkakataon ang mga medical frontliner na makapagpahinga at makabawi ng lakas bunsod ng namemeligrong estado ng medical health facilities sa bansa.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians, simula nang isailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) ay biglang sumipang muli ang kaso ng COVID-19.

Batid naman ng mga medical frontliner ang pagnanais ng pamahalaan na buhayin muli ang ekonomiya sa Metro Manila, subalit kailangan ding ikonsidera ang kalusugan ng mas nakararami na mahahawaan at mamamatay dahil sa virus.

Facebook Comments