Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng tatlumpu’t anim (36) na panibagong positibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan na pinakamarami sa mga naitalang kaso ng virus sa Lungsod.
Lima rito ay sina CV5194, CV5195, CV5196, CV5224, CV5225 na mga direct contact ng nagpositibong si CV5088. Sila ay nakaramdam ng sintomas gaya ng sipon, lagnat, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, samantalang si CV5225 ay asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19. Sila ay dumalo umano sa isang Birthday Party noong December 20, 2020. Sila ay agad na pinagstrict home quarantine matapos madeklarang positibo si CV5088. Sila ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.
Sumunod ay si CV 5199, lalaki, 41 years old, residente ng Barangay District 3. Siya ay isang Radio Operator. Siya ay direct contact ng nagpositibong sina CV5114 at CV5010 (kasamahan sa trabaho). Agad naman itong pinagstrict home quarantine matapos magpositibo ang kaniyang mga direct contact. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Siya ay kasalukuyang nasa LGU Isolation Facility.
Siyam sa mga positibong kaso na sina CV5210, CV5215, CV5216, CV5217, CV5219, CV5220, CV5221, CV5222, CV5223 ay mga direct contact ng nagpositibong si CV5189. Sila ay mga Pulis sa ating lungsod. Agad naman silang pinagstrict home quarantine matapos magpositibo si CV5189. Sila ay nakaranas ng sintomas gaya ng sipon at pagkawala ng panlasa at pang-amoy, samantalang si CV5221 ay asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19. Sila ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility maliban kay CV 5210 na nasa Luna Ligtas COVID-19 Center.
Sumunod ay si CV5207, lalaki, 22 taong gulang, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay isang Pulis. Siya ay walang naitalang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Agad naman nitong ipina-alam sa ating City Health Office (CHO) kaya’t siya ay kinuhanan ng sample at nagpositibo. Inaalam pa ng ating CHO ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga na ng ating LGU quarantine facility.
Kabilang din sa mga nagpositibo si CV5218, babae, 23 years old, residente ng Barangay San Fermin, tubong Itbayat, Batanes. Siya ay isang Pulis. Siya ay walang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagkawala ng panlasa. Agad naman nitong ipinaalam sa ating City Health Office (CHO) kaya’t siya ay kinuhanan ng sample at nagpositibo rin sa COVID-19. Inaalam pa ng ating CHO ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga na ng ating LGU quarantine facility.
Sampu pa sa mga nagpositibo sina CV5226, CV5227, CV5228, CV5229, CV5230, CV5231, CV5232, CV5233, CV5235, CV5244 na mga direct contact ng nagpositibong sina CV5088 at CV5089. Sina CV5226, CV5227, CV5230, at CV5233 ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, sipon, lagnat at pagkawala ng panlasa at pang amoy. Anim naman rito ang Asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19. Agad naman silang pinagstrict home quarantine matapos magpositibo ang kanilang mga direct contact. Sila ay kasama sa mga dumalo umano sa isang salo-salo (Birthday Party) noong December 20, 2020. Sila ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Sumunod ay si CV5236, lalaki, 39 years old, residente ng Barangay Minante 2. Siya ay Patrol Team Leader. Siya ay walang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng lagnat kaya’t agad naman niya itong inireport. Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at lumabas ang resulta na siya ay positibo sa virus. Inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.
Pang dalawampu’t siyam ay si CV5237, lalaki, 44 years old, residente ng Barangay Nungnungan I. Siya ay isang Patrol Team Leader. Siya ay walang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at lagnat na agad naman niya itong inireport. Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at lumabas ang kaniyang resulta na positibo sa COVID-19. Ina-alam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.
Sunod ay si CV5238, lalaki, 44 years old, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay isang Pulis. Siya ay walang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo sipon, at lagnat na agad naman niya itong inireport. Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at siya ay positibo. Inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.
Positibo rin sa virus si CV5240, babae, 63 years old, residente ng Barangay District 3, walang history of travel. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, lagnat, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Agad naman niya itong inireport sa ating City Health Office (CHO). Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at lumabas na siya ay positibo. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.
Sunod ay si CV5241, babae, 51 years old, residente ng Barangay Buena Suerte. Siya ay isang Admin Staff sa isang ospital. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo. Agad naman niya itong inireport sa ating City Health Office. Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at lumabas ang resulta na siya ay positibo. Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure. Siya ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Sumunod ay si CV5246, lalaki, 41 years old, residente ng Barangay Cabaruan. Siya ay isang Pulis. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at lagnat. Agad naman niya itong ipinaalam sa ating City Health Office. Siya ay kinuhanan ng sample noong December 30, 2020 at lumabas ang result ana siya ay positibo. Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng history of exposure. Siya ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Sumunod din si CV5247, babae, 1 taong gulang at residente ng Barangay San Fermin. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at sipon kaya’t sila ay komunsulta sa isang ospital. Bilang protocol siya ay kinuhanan ng sample hanggang sa mabatid na siya ay positibo. Inaalam pa ng City Health Office ang kaniyang posibleng history of exposure. Siya ay kasalukuyang naka-admit sa hospital isolation facility.
Tinamaan rin ng virus si CV5253, babae, 51 years old, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay isang empleyado. Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng lalamunan. Agad niya naman itong inireport kaya’t siya ay kinuhanan ng sample at lumabas ang resulta na siya ay postibo. Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng history of exposure. Siya ay naka-admit sa Southern Isabela Medical Center (SIMC).
Ang panghuli ay si CV5254, babae, 23 years old, residente ng Barangay San Fermin. Siya ay anak ng nagpositibong si CV5253. Agad naman siyang pinag-isolate matapos makuhanan ng sample. Siya ay kasalukuyang nasa hospital isolation facility.
Bagamat balik MGCQ na ang Lungsod, hinihikayat ang publiko na magdoble-ingat, sumunod sa mga health protocols at iwasan ang anumang klaseng pagtitipon o mass gathering.