Cauayan City, Isabela – Kinumpirma ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na maraming lokal na opisyal dito sa rehiyon dos ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot o droga.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay DILG Undersecretary Martin Diño, sinabi niya na ilalabas ng DILG ang listahan ng mga opisyal dito sa region 2 na may kinalaman sa droga sa kabila na hindi wala ang region 2 sa paunang listahan ng PDEA kamakailan na mahigit sa 200 bilang ng mga barangay officials na direktang sangkot sa droga.
Iginiit pa ni Undersecretary Diño na may kasalanan ang DILG region 2 at ito umano ang kanyang titingnan mabuti dahil hindi pwede sa kanya na may nagkakaproteksyonan sa hanay ng mga opisyal sa usapin ng droga.
Naniniwala pa si USec Diño na hindi maaring walang record ng droga ang rehiyon dos dahil napakarami na ang hulihan ng droga at nitong nakalipas na taong 2017 ay mayroong laboratoryo ng droga dito sa Isabela kung saan mga mayor at bise mayor ang mga sangkot dito.
Sinabi pa ni Diño na totoo ang sinabi ng pangulong Duterte na maraming lokal na opisyal ang sangkot sa droga dito sa bansa.
Dahil dito nanawagan si Usec Diño sa lahat ng taong bayan na gamitin ang kanilang mga cell phones at maging bigilante o mapagmatyag sa mga ginagawang krimen ng mga opisyal kahit na sila ay nasa matataas na posisyon sa pamahalaan.