Maraming lugar sa Maynila, hindi na madaanan ng mga maliliit na sasakyan

Manila, Philippines – Nadagdagan ang mga lugar na hindi na pwedeng daanan ng mga maliliit na sasakyan dahil sa biglang lumakas ang buhos ng ulan dulot ng bagyong Maring.

Hindi maaring daanan ng mga light vehicles ang Romualdes kanto ng Taft, Bonifacio Drive sa Roxas Blvd., at hindi pwedeng daanan ng kahit anong uri ng sasakyan ang Felix Manalo Sta.Cruz; habang gutter deep naman ang España/ Antipolo, M. Dela Fuente, Quirino/Plaza Dilao; habang sa Rizal Avenue/Thomas Mapua ay hanggang gulong ng sasakyan ang tubig baha; hanggang tuhod naman sa Ramon Magsaysay Blvd.; habang hanggang hita ang tubig baha ang EDSA kanto ng Taft Avenue; kalahati naman ng gulong ng sasakyan ang tubig baha sa Quirino/ Leon Guinto hanggang baywang ang tubig baha sa Manila City Hall.

Pinayuhan ni MDRRMO Chief Johnny Yu ang mga motorista na umiwas sa mga lugar na nabanggit upang hindi tumirik ang kani-kanilang mga sasakyan.


Handa naman ang Manila City Government na tumugon sa lahat ng mga pasahero na maiistranded kung saan idedeploy ang apat na 6 by 6 na trak ng MPD sakaling maraming mga pasahero na hundi makakadaan dahil sa lalim ng tubig baha.

Facebook Comments