Maraming mga guro sa Cotabato City natatakot na magsisilbi bilang mga Board of Election Inspector

Inihayag ng Commission on Election o COMELEC na maraming mga guro ang nangangamba na magsilbi bilang mga Board of Election Inspector sa Cotabato City kayat pinalitan na sila ng mga pulis bilang mga Electoral Board at nagpadala na rin ng isang Batallon ng mga sundalo upang umagapay sa sitwasyon doon.

Sa isinagawang press briefing kaninang alas 5 ng umaga sinabi ni acting COMELEC Spokesperson Director John Rex Laudangco na 47 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), 1 sa Northern Samar at isang Clustered Precinct Socorro Orriental Mindoro ang walang Test ballots dahil sa hindi nakatapos sa Final Testing and Ceiling kaya nagkaroon ng problema o aberya sa naturang lugar.

Pero ayon kay Laudangco walang dapat ikabahala ang publiko dahil mayroon nang contingency plan ang ginagawa ang COMELEC kung saan ay inaantay nalang nila ang final report ng kanilang mga personnel.


Patuloy naman ang COMELEC na nag-aangbay sasitwasyon sa naturang mga lugar kasabay ng pagtiyak sa publiko na all system go na sa karamihang mga Polling Precinct sa bansa.

Facebook Comments