Mahigpit na seguridad nakalatag na sa polling precint kung saan boboto si Pangulong Rodrigo Duterte

Nakalatag na ang seguridad sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Barangay Matina Crossing sa Davao City kung saan boboto mamaya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dito rin inaasahang boboto ang kaniyang anak na si vice presidential candidate Sara Duterte.

Ayon sa admin officer ng paaralan, hindi exempted ang mag-amang Duterte sa protocols na ipinatutupad para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Ibig sabihin, pagdating nila ay sasailalim pa rin sila sa temperature check at ilalagay sa isolation polling precint kung mas mataas sa 37.5 degrees celsius ang kanilang temperatura.

Samantala, para matiyak ang kaligtasan ng pangulo, ni-require ng paaralan ang RT-PCR testing sa tatlong electoral board members at ang mga miyembro ng media na magcocover sa pagboto ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments