Sunday, January 18, 2026

Maraming mga nagpatalang vaccinees sa Venice Grand Mall sa Taguig, hindi sumipot sa bakunahan

Maraming vaccinees ang hindi sumipot ngayong araw sa schedule ng kanilang bakuna kontra COVID-19 sa Venice Grand Mall vaccination site sa BGC, Taguig City.

Sa halos 600 na nagpa-schedule para sa first dose, halos 200 lamang ang sumipot kanina.

Sa 143 naman na naka-schedule para sa second dose, 125 lamang ang dumating.

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng bakunahan ngayong araw sa Venice Grand Mall ay wala nang walk-in na pinapayagan na magpabakuna.

Pinairal lamang ang walk-in sa nasabing vaccination site mula noong Lunes hanggang kahapon.

Facebook Comments