MARAMING NASAWI | 26 patay sa car bombing sa Afghanistan

Afghanistan – Nasawi ang nasa 26 na tao matapos ang car bombing sa Nangarhar City, Afghanistan.

Nangyari ang pagsabog sa pagtitipun-tipon ng mga taliban at Afghan Armed Forces para ipagdiwang ang pagtatapos ng ramadan.

Ang mga sundalo at militante ay nagpapalitan ng yakap at selfies sa kanilang mga smartphones nang sumabog ang isang kotse.


Inako ng Islamic State ang nangyaring insidente.

Facebook Comments