FATHER’S DAY | Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Baste, nagbigay ng mensahe sa Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kasabay ng Father’s Day ngayong araw, June 17.

Nagbigay ng mensahe sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sebastian ‘Baste’ Duterte para sa kanilang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sara – istrikto ang kanyang tatay Digong pagdating sa kanyang pag-aaral at trabaho.


Pero hindi aniya siya nagrereklamo sa paraan ng pagpapalaki ng Pangulo.

Nagpasalamat din ang Alkalde dahil kung hindi dahil sa kanyang ama ay hindi siya magiging Abogado.

Sabi naman ni Baste – mahigpit ang kanyang tatay pero mapagmahal.

Kwento ng Presidential Son, pinapalo siya ng sinturon dati kapag nagkamali siya pero ginagantimpala siya kapag nagagawa niya ang kanyang responsibilidad.

Mensahe ni Baste sa kanyang tatay Digong, mahal niya ito.

Facebook Comments