Maraming OFWs sa Hong Kong, hindi nakahabol sa deadline ng voter registration dahil sa protocol doon

Kinumpirma ni Consul Bob Quintin ng Philippine Consulate sa Hong Kong na maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) doon ang hindi nakahabol sa deadline ng pagpaparehistro para sa overseas absente voting sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa hanggang 500 lamang ang pinayagan ng Hong Kong police na makapagpatala.

Napuna kasi ng Hong Kong police ang haba ng pila ng mga Pilipino kung saan nalabag ang health protocols doon.


Bunga nito, nanawagan sa Philippine government ang Filipino workers sa Hong Kong na palawigin pa ang overseas voter registration hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Facebook Comments