MARAMING PAGLABAG AT DEPEKTO | 2 bus ng Dimple Star, pinigilan ng LTFRB na makapagbiyahe ngayong umaga

Manila, Philippines – Dalawang bus ng Dimple Star ang pinigilan ng Land
Transportation Franchising and Regulatory Board na makapag biyahe ngayong
umaga sa Antique at Iloilo sa Visayas.

Sa ginawang inspection ng LTFRB sa bus terminal nito sa P. Tuazon, Cubao
nakitaan ito ng maraming paglabag at depekto tulad ng mga kalbong gulong ,
basag na salamin na peligro sa pagbibiyahe.

Hindi rin pumasa sa panuntunan ng LTFRB ang bus terminal dahil bukod sa
kawalan ng comport rooms, mga tolda lamang ang ginawang silungan ng mga
pasahero.


Nagdesisyon si LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na humanap ng ibang
bus at ilipat ang mga sakay na pasahero.

Bagamat hindi hinarap ng operator ng Bus company si Atty. Lizada, pinayuhan
na lamang ang legal counsel nito na isailalim sa maintenance procedure ang
mga depektibong units bago payagang bumiyahe.

Facebook Comments