DUE PROCESS | Impeachment trial kay CJ Sereno, malabo pang masimulan sa Mayo – Senador Sotto

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Tito Sotto na malabo pang
masisimulan sa katapusan ng Mayo ang Impeachment Case laban kay On leave
Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil marami pang proseso gagawin ng
Senado.

Sa ginanap na forum Kapihan sa Manila Bay sinabi Sotto na hindi pa dapat
magdiwang ang mga kritiko ni Sereno dahil lumilitaw sa agenda ng Senado
masisimulan lang sa Agosto pa ang pagdinog sa kasong Impeachment laban sa
Punong Mahistrado sa Korte Suprema.

Paliwanag ni Sotto sabuwan ng Hunyo hanggang Hulyo Mandadutos sa ilalim ng
Saligang Batas na ang Senado ay Adjourn Sine Die kaya malaki ang
posibilidad na masisimulan ang Impeachment Trial sa Agosto dahil sa July 23
ay SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Giit ni Sotto na mahabang proseso ang ginagawa nila dahil kinakailangan
pang dumaan sa due process gaya ng binibigyan ng 15 araw ang magkabilang
panig para tugunan ang bawat isyu na ipinupukol sa kanila.

Facebook Comments