Maraming Pinoy, nagtitiwala nang manirahan sa Metro Manila batay sa survey ng Pulse Asia

Manila, Philippines – Maraming Pinoy ang naniniwalang mas ligtas ng manirahan sa Metro Manila ngayon dahil sa kampanya kontra iligal na droga ng pulisya.

 

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula noong Disyembre 6 hanggang 11 2016 mula sa 500 Filipino.

 

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, magandang resulta ito para sa kapulisan lalo na para sa kanilang kampaniya kontra droga at kriminalidad.

 

Dahil dito, tiniyak ni Albayalde na mas pagbubutihin pa ng buong kapulisan ang kampanya laban sa iligal na droga, krimen, at paglilinis sa buong pulisya.

 

Siniguro rin nito na mas paiigtingin pa nila ang kanilang trabaho hanggang sa makamit nila ang 100 poryentong tiwala ng publiko.



Facebook Comments