Ombudsman Conchita Carpio Morales, minaliit lang ang disbarment complain laban sa kaniya

77

Manila, Philippines – “Wish them luck.”

 

Ito ang iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos siyang sampahan ng disbarment complaint ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa Korte Suprema.

 

Sa kaniyang statement, sinabi ni Morales na malaya ang kahit sino na maghain ng reklamo.

 

Tinatanggap aniya nito ang disbarment complaint bilang bahagi lamang ng kanyang trabaho.

 

Tiniyak rin ni Morales na handa niyang harapin ang reklamo anumang oras at kahit saan.



Facebook Comments