Maraming Piraso ng Tablon ng GMelina, Nasabat ng Kapulisan sa Jones Isabela!

Jones, Isabela – Arestado ang tatlong lalaki matapos masabat ng kapulisan ang mahigit isang daang piraso ng GMelina sa pag-iingat ng mga ito, pasado alas dyes kagabi sa Barangay I, Jones, Isabela.

Batay sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang mga suspek na sina John Dalloran, dalawamput apat na taong gulang, walang asawa; Alex Coloma, tatlumput walong taong gulang, may asawa, isang mag-sasaka; at Allan Dalloran, may asawa, drayber at pawang mga residente ng Barangay Palacian, San Agustin, Isabela.

Habang nagsagawa ng checkpoint sa naturang lugar ang kapulisan ay nasabat nila ang isang Isuzu elf truck na minamaneho ni Allan Dalloran kung saan ay may sakay na 149 piraso ng ibat’ ibang sukat ng GMelina na may kabuuang volume na 1,913 board feet na umanoy pag-aari ni John Dalloran.


Dahil dito dinala ang saskayan, mga suspek at mga tablon sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments