Nasa minimum risk classification na lamang ang karamihan ng rehiyon sa buong bansa.
Sa report ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na ang buong Pilipinas ay mayroon na lamang -57 percent na 2-week growth rate habang .67% naman ang average daily attack rate per 100,000.
Sa nagdaang isang linggo, sinabi ni Duque na naitala na lamang ang 526 average daily cases ng COVID-19, mas mababa na ng 41% mula sa 895 daily average sa nakaraan.
Kaugnay nito, sinabi ni Duque na nananatiling low risk classification ang regions 2, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Facebook Comments