Paalam at Maraming Salamat Maguindanao! Ito ang emosyonal na naging pahayag ni Maguindanao Electric Cooperative General Manager Sultan Ashary Maongco sa mga bumubuo ng Provincial Peace and Order Council na pinangugunahan ng tumatayong Chairman Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kanina, kabilang sa naging napag-usapan sa PPOC ang kasalukuyang sitwasyon ng kuryente at perwisyong hatid nito sa malawak na bahagi ng lalawigan.
Kaugnay nito, isa-isang ipinaliwanag ni GM Maongco ang mga kadahilanan ng lumalalang problema at mga inisyatiba nito para na rin sa ikakaganda ng serbisyo ng kuryente sa lalawigan.
Ngunit sa kabila ng kanyang mga paliwanag, umabot sa punto na nagkaroon ng botohan sa pagitan ng mga myembro ng PPOC matapos ilan sa mga LGU Officials ay naglabas ng mga sentimento at petisyon na kumukwestyon sa kakayanan ni General Manager.
Dahil dito, bago pa man makapagbigay ng kani kanilang opisyal na mga desisyon ang mga myembro ng PPOC, madamdaming inihayag ni GM Maongco na maghahain na lamang ito ng Resignation.
Mariin pang inihayag ni GM Maongco na tuluyan nitong babakantehin ang pwesto bago paman ang matapos ang taong ito.
Kaugnay nito, napagdesisyonan naman ng bumubuo ng PPOC na bibigyan pa ng hanggang May 2020 si GM Maongco upang maayos ang lahat sa MAGELCO.
Nagsilbi bilang CEO at GM ng LASURECO si Maongco simula 2007-2014 bago naging GM ng MAGELCO.
Maraming Salamat Maguindanao- GM Maongco
Facebook Comments