Maraming trabaho para sa mga Pinoy, malilikha sa pagdadagdag ng daan-daang eroplano ng AirAsia

Nag-anunsyo ang AirAsia na magkakaroon ito ng karagdagang 300 na mga eroplano sa susunod na limang taon.

Ayon kay Tony Fernandes, Chief Executive Officer ng Capital A, kabilang sa mabibigyan ng mga bagong eroplano ang AirAsia Philippines.

Sa harap ito ng mabilis na pagbangon ng turismo ng Pilipinas.


Sinabi ni Fernandes na kabilang sa magkakaroon ng karagdagang flights ang Cebu, Bohol at Davao.

Samantala, matapos ang pagbubukas ng operasyon ng AirAsia sa Changi International Airport Terminal 4 sa Singapore, kinumpirma ni AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla na nakatakda rin silang magbukas ng flight mula Cebu patungong Singapore sa Nobyembre.

Habang sa Disyembre ay magbubukas din ang AirAsia ng flight mula Clark patungo ng Singapore.

Bukod ito sa flight ng nasabing low-cost air carrier mula Manila patungo ng Singapore apat na beses sa isang linggo.

Facebook Comments