Executive Secretary Victor Rodriguez, nagbitiw na sa pwesto

52

Bumaba na sa pwesto si Executive Secretary Victor Rodriguez.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Sa hiwalay na press statement, sinabi ni Rodriguez na nagpapasalamat siya kay Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., dahil sa tiwala sa kaniya para i-pwesto sa nasabing posisyon.


Sinabi ni Rodriguez na 24 oras ang trabaho ng Executive Secretary na araw-araw ay kailangan ang serbisyo.

Matindi aniya ang demand ng pagiging Executive Secretary para makapagbigay ng on time na serbisyo sa publiko.

Tiniyak naman ni Rodriguez na kahit hindi na siya ES ay magpapatuloy ang serbisyo nito sa taong bayan bilang Presidential Chief of Staff.



Facebook Comments