Maraming unfilled position sa gobyerno sa gitna ng mataas na unemployment rate, pinuna ni Senator Villanueva

Kinuwestyon ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang kabiguan na mapunan ang 180,000 na bakanteng pwesto sa gobyerno habang marami ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 budget ay naungkat na halos 670,000 manggagawa ang nasa ilalim ng job order system sa pamahalaan kahit nakapakaraming unfilled plantilla positions nito.

Ayon kay Villanueva, dapat kumilos dito ang mga kinauukulang departamento lalo na ang mga economic managers upang huwag namang matulad ang mga bakanteng trabaho sa gobyerno sa nabubulok ng bigas sa bodega sa halip na agad ipamahagi.


Giit ni Villanueva, sana ay gobyerno ang nangungunang taga-hanap ng solusyon sa kawalan ng trabaho.

Diin ni Villanueva, sayang ang pondong inilalaan sa mga bakanteng posisyon sa pamahalaan na hindi napupunan kaya mainam na gamitin na lang sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments