Iginiit ni House Deputy Minority leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kay Vice President Sara Duterte na marapat lang bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
Mensahe ito ni Castro makaraang umapela si VP Sara sa Department of Justice (DOJ) na huwag makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC ukol sa war on drugs.
Punto ni Castro, parang sinasabi ba ni VP Duterte na mali ang Korte Suprema sa pagsasabing obligado ang Pilipinas na makipagtulungan sa ICC.
Paliwanag ni Castro, kung mayroon nang on-going na criminal investigation o proceedings bago pa man naging effective ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC ay kailangan pa ring makipagtulungan ng withdrawing State sa imbestigasyon ng ICC.
Para kay Castro, mabuting inaaral na ngayon ng administrasyong Marcos ang na muling maging kasapi ng ICC ang ating bansa.
Ayon kay Castro, nabuhay ngayon ang pag-asa na magkaroon ng hustisya ang mga nasawi sa pagpapatupad ng war on drugs sa ilalim ng nagdaang administrasyong Duterte.