Christmas convoy patungong WPS, pinahintulutan ng NSC

Pinayagan ng National Security Council (NSC) ang Christmas convoy ng ATIN ITO! Coalition na maglalayag patungong general vicinity ng Ayungin Shoal.

Ayon kay NSC Spokesperson Asst. Director Jonathan Malaya, ang nasabing Christmas convoy ay magtutungo rin sa Pagasa Island upang magdala ng mga pamasko sa mga sundalong nakaposte sa BRP Sierra Madre.

Ani Malaya, ang mga regalo at donated supplies ay itu-turn over sa Philippine Navy-AFP at sa Philippine Coast Guard upang madala nila ito kasabay ng regular na pagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal.


Sa pamamagitan aniya ng Christmas convoy na magtutungo sa mga teritoryo ng bansa, tiyak na mapapasaya at mas mapapalakas ang loob ng mga sundalo at iba pang frontliners na patuloy na nagtataguyod ng soberenya ng bansa.

Kasunod nito, tinitiyak ng NSC ang kaligtasan ng mga sasama at lalahok sa Christmas convoy.

Facebook Comments