Mararanasang El Niño Phenomenon, asahang may epekto sa ekonomiya ng bansa – NEDA

Magkakaroon ng epekto sa ekonomiya ng bansa ang inaasahang El Niño Phenomenon at ang pagtaas ng inflation.

Ito ang sinabi National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang.

Sinabi ng kalihim, hindi maganda sa ekonomiya ng bansa kapag parehong hindi napaghandaan ang mararanasang El Niño at pagtaas ng inflation.


Kaya mahalaga aniyang ma-mitigate ang epekto ng El Niño lalo’t inaasahang bababa ang produksyon ng mga basic agricultural produce dahil sa El Niño at ito ay lubhang mas makakaapekto sa mga mahihirap na mga Pilipino.

Importante ayon kay Balisacan na magsimula na sa paghahanda o adjustment upang kahit papaano’y mabawasan ang negatibong epekto ng El Niño na sasabayan pa ng pagtaas ng inflation.

Facebook Comments