DALAWANG taon matapos ang tinatawag ngayong Siege of Marawi, ang Islamic Capital ng Lanao del Sur ay nasa state of calamity pa rin hanggang ngayon.
Ang limang buwang labanan, ang pinakamabang urban battle sa bansa simula noong World War II, ay nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan nito nang mawala ang kani-kanilang tirahan at nagsisiksikan ngayon sa evacuation camps kung saan kapos ngayon sa kanilang pangunahing pangangailangan gaya ng tubig.
Mabagal pa rin ang progreso ng lugar kahit nilikha na ang inter-agency task force na Bangon Marawi sa reconstruction.
Ayon kay task force head Eduardo del Rosario, lubhang napakaraming sagabal sa pagsasagawa ng iniatas kanila gaya ng malalaking tipak na semento, mga hindi sumabog na bomba at mga delikadong istruktura. Kinakailangang malinis ang mga ito bago matapos ang Nobyembre. Ilang konstruksyon naman ang nakatakdang gawin ngayong Setyembre.
“We can’t make shortcuts. It takes a while in the beginning but it will be quick once it starts,” ayon kay Field office Manager Felix Castro.
Pero para sa refugee gaya ni Mohammad Ali Acampong, na natapos ng ayusin ang kaniyang nawasak na bahay, lubhang napakagal ng reconstruction.
Aniya, lubhang napakasakit dahil wala silang magawa dahil sa naganap na digmaan.
Dagdag pa niya, araw-araw na lang na ganito ang senaryo sa kanilang bayan na tila naghihintay lang sila ng kanilang kamatayan.
Facebook Comments