Peter Advincula alyas Bikoy, pinayuhan ng DOJ na sumailalim na sa imbestigasyon

Pormal nang naglabas ang Dept. of Justice ng pahayag kaugnay ng pagbaliktad ni Peter Advincula alyas Bikoy sa Liberal Party.

 

Hinimok ng DOJ si Bikoy na sumailalim na sa imbestigasyon.

 

Pinayuhan din ng DOJ si Bikoy na magproduce ng mga ebidensya na susuporta sa kanyang pandadawit sa LP sa paninira sa pamilya Duterte.


 

Ayon sa DOJ, ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga ihahaing ebidensya ni Bikoy ang kanilang pagbabasehan ng kanilang gagawing ligal na hakbang.

 

Sa kanyang pagharap sa media kanina, ilang personalidad mula sa oposisyon ang pinangalanan ni Bikoy na nasa likod daw ng pagpapakalat ng anti-Duterte videos.

 

Facebook Comments