Iligan City – Tuloyan nang ideneklarang Malaya ni Presidente Rodrigo Duterte ang lungsod ng Marawi mula sa kamay ng mga teroristang Maute-ISIS.
Ideneklara ng pangulo na Malaya na ang marawi city kasunod ng pagkamatay sa lider ng mga Maute-ISIS na sina IsnilonHapilon at Omar Maute kahapon ng madaling araw sa mismongwar zone.
Mismong ang pangulong Duterte rin ang nanguna sa pagtataasng watawat ng pilipinas sa loob ng main battle area sa lungsod kung saan senyales ng kalayaan at ng tagumpay ng mga kasundalohan sa loob ng halos limang buwang pakikiglaban sa mga terorista.
Ginawa ni Presidente Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng personal nang bumisita muli ito sa marawi city ngayong araw.
Sinabi rin ni Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao na matapos ideklara ng pangulo na Malaya naang marawi ay pwede na nilang simulan ang rehabiltasyon ng marawi city.
Pero nilinaw nito na hindi pa muna maaring bumalik ang mgabakwit sapagkat patuloy pa ang kanilang ginawang clearing operation sa naturang lugar. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Image from Inside Military Forum’s Facebook post
| | Virus-free. www.avast.com |
Marawi City Malaya na ayon kay Presidente Duterte, Rehabilitasyon pwede nang simulan ayon sa AFP
Facebook Comments