Marawi City Mayor Majul Gandamra, umaasang matatapos na ang gulo sa Marawi ngayong tapos na ang Ramadan

Marawi City – Umaasa si Marawi City Mayor Majul Gandamra na nitong natatapos na ang Ramadan ay sana matapos na rin ang kagulohang nangyayari sa Marawi City.

Itoy para makabalik na sa kani-kanilang tahanan sa Marawi ang mga residente doon na nagsipag-alisan dahil sa kaguluhang nangyayari sa kanilang lugar.

Sinabi ni Mayor Gandamra na marami nang buhay at ari-ari-an ang nawasak at nawala dahil sa kagulohang dulot ng mga teroristang grupo na Maute.


Hindi lang ito problema ngayon ng taga Marawi pero problema na ito ng boong bansa dahil halos lahat ay apektado na sa nasabing kagulohan.

Dagdag pa ni Gandamra na walang puwang sa mundo at kahit saan mang lugar ang mga teroristang gumagawa lamang ng gulo para makapakit sa kanilang kapwa.

Facebook Comments