Marawi City police station, nabawi na ng militar sa Maute Terrorist Group

Marawi City – Nabawi na ng militar ang marawi City Police Station mula sa Maute Terrorist Group kamakalawa.

Ang Marawi City Police ang isa sa mga lugar na nakuha ng Maute nang magsimula ang gyera sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, mahalaga ang pagbawing ito dahil nasa strategic location ito sa Marawi City na importante sa operasyon ng military.


Sinabi pa ni Padilla na sa pagbawing ito ng police station ay senyales na unti-unti nang nababawi ng militar ang mga gusaling nakubkob ng mga kalaban.

Sa ngayon aniya 300 gusali pa ang kailangang i-clear ng militar habang kahapon syiam na gusali ang na-cleared ng military.

Inihayag pa ni Padilla na hindi pa nababawi ang grand mosque sa Marawi City, aniya patuloy ang operasyon ng militar para mabawi ito.

Facebook Comments