Marawi City, tiniyak ni Pangulong Duterte na makakabangon at gagawin mas maunlad pang lungsod sa Mindanao

190

Manila, Philippines – “Hindi gobyerno ang kalaban ng mga Muslim, kundi mga teroristang ISIS.”

Ito ang binigyang-diin sa mga Muslim leaders ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pahayag sa Eid’l Fitr celebration kagabi sa palasyo kaugnay nang nagpapatuloy na opensiba ng militar sa Marawi City.

Pero, pagtitiyak ng pangulo na babangon ang Marawi bilang maganda at maunlad na lungsod.


Apela ng pangulo sa mga Muslim leaders, huwag papayagang makapasok ang mga terorista sa kanilang mga lugar na tiyak sisira sa kanilang mga buhay at sa susunod pang mga henerasyon.

Facebook Comments