Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unveiling ng monumentong nagbibigay pugay sa mga sundalo at pulis na lumaban at nasawi sa Marawi siege noong 2017.
Ang Marawi Heroes Memorial ay matatagpuan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Kasama ni Pangulong Duterte sa aktibidad si Defense Secretary Delfin Lorenzana, Peace Adviser Secretary Carlito Galvez at iba pang opisyal ng AFP.
Sa nasabing aktibidad ay nakipag-usap ang Pangulo sa ilang miyembro ng mga pamilya ng mga namatay na sundalo at inimbitahan niya ang mga ito na pumunta ng Malacañang at tiniyak na ito ay laging bukas para sa kanila.
Sinabi ng Pangulo sa mga pamilya na totoong mga bayani ang kanilang mga mahal sa buhay at nagpapasalamat ito na siya ay naging bahagi sa pagkilala sa mga ito.