Marawi, hiniling na gawing model city

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na gawing “model city” ang Marawi City kasabay ng rehabilitation at reconstruction dito.

Sa halip na construct at build lamang ang gawin, hinimok ni Castelo ang administrasyon na kumuha ng serbisyo ng mga urban master planners para makapagpatayo ng bagong syudad ng Marawi.

Giit ni Castelo, kailangan na well-planned ang rebuilding sa Marawi na may proper zoning at maayos na infrastructure para sa hinaharap.


Kapag may proper zoning, magagamit ng maayos ang mga lupa sa Marawi na maaaring pagtayuan ng government infrastructure, commercial, residential, light industrial, tourism at iba pang gusali.

Hiniling ng kongresista na gawing sentro o premier tourism destination ng Mindanao ang Marawi kaakibat na pananatilihin ang pagpreserba ng kultura at tradisyon ng mga kapatid na Muslim.

Facebook Comments