Marawi, makakabangon muli

Manila, Philippines – Naniniwala si DPWH Secretary Mark Villar na makabangon muli ang Marawi sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno at ibat ibang bansa kabilang ang China na handang tumulong upang maibalik muli ang ganda ng Marawi.

Ayon kay Villar optimistic ang Task Force Bangon Marawi na maibalik sa ganda ang Lungsod ng Marawi dahil matagal na nilang ipinaghahandaan ang Massive Plan upang muling maitayo at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente roon.

Sa panig naman ni Marawi City Mayor Majul Gandamra napatunayan na maraming mga bansa ang nagkakaisa para tumulong upang makabangon ang Marawi kabilang ang bansang China sapamamagitan ni China Ambassador Zhao Jianhua.


Paliwanag ni Villar napakalaking tulong ang 47 Units na mga heavy equipment mula China upang masimulan na ang pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at tuloy.

Facebook Comments