Stephen Curry, pinagmulta dahil sa paghahagis nito ng mouthpiece

Sports – Dahil pangalawang beses na niya itong ginawa, sinampal ng tumataginting na $50,000 na multa ng National Basketball Association si Golden State Warriors’ superstar Stephen Curry.

Ito ay dahil sa paghahagis ni Curry ng kaniyang mouthpiece sa game official sa laro ng Warriors kontra Memphis Grizzlies noong Sabado. Dahil dito na-eject sa laro si Curry na sinundan ni Kevin Durant dahil sa pagmumura umano nito sa referee.

Unang ginawa ni Curry ang paghahagis ng kaniyang mouthpiece noong 2016 NBA Finals kung saan nagmulta ito ng $25,000.


Nauna nang humingi ng paumanhin si Curry sa kaniyang inasal.

Facebook Comments