Nasa 85% na ang completion rate ng Marawi rehabilitation project.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Chief Eduardo del Rosario na sa kabila ng pandemya ay nagtutuloy tuloy pa rin ang rehabilitasyon sa Marawi.
Ito ay alin-sunod na din ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Marawi.
Ayon kay Del Rosario, pagsapit ng June 30, 2022, 95% nang tapos ang Marawi rehab.
Ang nalalabi aniyang 5% ay itutuloy na lamang ng susunod na administrasyon base na rin sa i-a-allocate na pondo.
Kabilang sa mga major projects na tapos na ay ang 20km road projects, 3 bridges, police, fire at maritime stations gayundin ang mga ospital at ang kanilang Grand Mosque.
Karamihan din sa mga bakwit ay nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan.