35 kawani ng DOJ, nagpositibo rin sa COVID-19

71

35 na mga kawani ng Department of Justice (DOJ) ang panibagong tinamaan ng COVID-19 sa unang linggo ng taong 2022.

Pinakamarami sa mga nagpositibo ay mula sa main office ng DOJ sa Padre Faura, Maynila na nasa 21 habang may pitong aktibong kaso sa Region 4, anim naman sa Region 3 at isa sa Region 1.

Mayroon namang naitalang gumaling na apat na kawani mula sa Region 4.


Samantala, nasa halos 97% ng empleyado ng DOJ o katumbas ng 6,064 mula sa 6,254 na empleyado ang fully vaccinated na.

Habang 42 na kawani ang nakakaisang dose pa lamang.

Facebook Comments