Marawi rehabilitation, 40% nang kumpleto

Inanunsyo ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na halos 40% nang kumpleto ang government-led rehabilitation ng Marawi City na dinurog ng bakbakan sa pagkubkob sa lugar ng Daesh inspired terrorist noong 2017.

Ginawa ni Task Force Bangon Marawi Chief Eduardo del Rosario ang pahayag kasunod ng kaniyang pangalawang inspection sa ongoing rehabilitation.

Sinabi ni Secretary Del Rosario na on track ang December 2021 timeline dahil puspusan ang trabaho ng 56 implementing agencies at mga partner-organizations para matapos ang proyekto.


Nag-full blast noong July 2020 ang konstruksyon ng vertical at horizontal infrastructure sa lungsod at nagpapatuloy sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Iniulat din ng TFBM na pormal na ring na-award sa 109 na first batch ng internally displaced families ang kanilang permanent housing units.

Facebook Comments