Marawi siege, malaking hamon para sa pagpapanatili ng mataas na grado ng pangulo

Manila, Philippines – Mas malaking hamon ngayon sa Pangulong Rodrigo Duterte ang krisis sa Marawi upang mapanatili ang mataas na grado na ibinibigay sa kanya ng publiko para sa limang susunod pa na taon ng pamamahala.

Para kay Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe, 8.7 ang grado para sa unang taon ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Batocabe, malaki ang pagbabago sa peace and order situation sa mga probinsya at syudad.


Kahit aniya tanungin ang mga residente, sila mismo ang makapagsasabi na mas ligtas ang pakiramdam nila ngayon.

Epektibong communicator din aniya ang Pangulo na kung saan ang simpleng pagbibigay ng pag-asa sa publiko ay maituturing na malaking bagay na.

Dagdag pa dito ay itinutuloy din ng Presidente ang mga naunang reporma sa ekonomiya dahilan kaya unti-unting umaangat ang ekonomiya ng bansa.

Ilan aniya sa dapat na gawin ng Pangulo para hindi maapektuhan ng negatibong impact ng Marawi siege ay ang pagpursige sa usaping kapayapaan sa pagitan ng mga rebelde, pagpapaunlad sa ekonomiya, dagdag na trabaho at pagpapanatili ng pagkakaisa.

Facebook Comments