MARAWI SIEGE | Philippine Army, nag-alay ng bulaklak sa tomb of the unknown soldiers

Manila, Philippines – Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo na nagbuwis ng buhay kaugnay ng Marawi seige.

Nag alay ng panalangin at bulaklak ang pamunuan ng Philippine Army sa tomb of the unknown soldiers sa Libingan ng mga Bayani.

Ang seremonya ay kasabay narin ng unang anibersaryo ng Marawi seige ngayong araw.


Pinangunahan ni Philippine Army Vice Commander Major General Robert Arevalo ang nasabing aktibidad.

Samantala, nagbigay pugay din ang Army Security Escort Batallion sa pamamagitan ng 21 gun salute.

Aabot sa 12,186 na mga sundalo, pulis, Philippine Coast Guard (PCG) ang nagtulong-tulong upang mapalaya ang Marawi mula sa kamay ng Maute-ISIS Terrorist Group.

Nabatid na 165 na mga sundalo ang nasawi habang 1,767 sundalo pulis ang naitalang sugatan sa 4 na buwang bakbakan.

Facebook Comments