DAGDAG NA SUPPLY | Konstruksyon ng Ibingan Earthfill Dam sa lalawigan ng Sorsogon, aprobado na

Sorsogon – Pinagtibay na ng National Irrigation Administration (NIA) ang konstruksyon ng Ibingan Earthfill Dam sa munisipalidad ng Prieto Diaz, lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, ang pagtatayo ng 381.51-million pesos Ibingan Earthfill Dam at ang mga istraktura nito ay gagawin sa ilalim ng Small Reservoir Irrigation Project.

Kasama sa proyekto ang concreting works, excavation, reinforcing steel bars, at embankment.


Pangunahing layunin ng itatayong dam ay upang magbigay ng sapat at napapanahong supply ng tubig lalo na sa irigasyon na magpapalago sa agrikultura sa lalawigan.

Ang pagpabilis ng imprastraktura at pagpapaunlad ng mga industriya ay bahagi ng 10-Point Socioeconomic Agenda ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na planong bawasan ang kahirapan mula sa 21.6% noong 2015 hanggang 13-15% sa 2022 sa pamamagitan ng infrastructure platforms.

Ang konstruksyon ng dam ay pangangasiwaan ng MAC Builders sa ilalim ng Build, Build, Build Project ng Duterte Administration.

Facebook Comments