Marawi Siege Victims Compensation Act, dapat nang pirmahan ni Pangulong Duterte ayon sa CHR

Pinamamadali ng Commission on Human Rights (CHR) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-apruba sa Marawi Siege Victims Compensation Act matapos na pagtibayin ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, tungkulin ng gobyerno na agad umaksyon upang maibsan ang paghihirap o maitataas ang morale ng mga residente na nasira ang mga bahay at commercial properties dahil sa epekto ng Marawi siege.

Tinawag din ng CHR ang atensyon ng gobyerno sa nakarating sa kanilang impormasyon na ang pondong naipalabas ngayon ay laan lang sa government infrastructures at hindi sa reconstruction ng mga pabahay ng mga apektadong residente.


Ibig sabihin nito, hindi pa makakabalik ang maraming residente sa “most affected areas” sa Marawi City.

Batay sa report ng Task Force Bangon Marawi, 80% ng public infrastructures sa most affected areas ay natapos na ang konstruksyon noong December 2021.

Facebook Comments