Unang bagon ng MRT-3, maaari na ring priority section para sa mga batang may kasamang adult

Inilaan na ngayon ang unang bagon ng MRT-3 bilang priority section para sa mga batang may kasamang adult na sasakay sa tren.

Ito’y bahagi pa rin ng ipinatutupad na pag-iingat sa harap ng implementasyon ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Kabilang sa pinapayagang makasakay sa priority section ang iba pang priority passengers na binubuo ng mga buntis, PWDs at senior citizens.


Mahigpit pa ring ipinatutupad sa buong linya ng MRT-3 ang minimum public health standards.

Kabilang dito ang pagbabawal na kumain, uminom, magsalita, at sumagot sa telepono sa loob ng mga tren, gayundin ang pagpapatupad ng appropriate physical distancing.

Istrikto pa ring ipinatutupad ang palagiang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

Facebook Comments