Tiwala si Senator Christopher “Bong” Go na magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng mga residente ng Marawi mula sa sinapit na karahasan dahil sa pagkubkob noon ng Maute at Abu Sayyaf Salafi jihadist groups.
Inihayag ito ni Go kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.
Diin ni Go, ang bagong batas ay magbibigay ng malaking suporta sa mga biktima ng 2017 Marawi siege para muling mai-ayos ang kanilang buhay.
Sa ilalim ng batas ay pagkakalooban ng tax-free monetary compensation ang may-ari ng residential, cultural at commercial structures na saklaw ng tinatawag na Marawi’s Most Affected Areas at Other Affected Areas.
Pinabibigyan din ng batas ng kompensasyon ang may-ari ng mga private properties na giniba at naapektuhan ng implementation ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.