March 22, pinapadeklara ng isang kongresista bilang special working holiday para sa HCW

Isinulong ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na maideklara ang March 22 bilang “special working holiday” bilang pagbibigay-pugay sa kabayanihan ng mga “Health Care Workers” na Pilipino sa buong mundo, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nakapaloob ito sa inihain ni Lee na House Bill 6335 o panukalang “National COVID-19 Health Care Heroes Remembrance Day”.

Paliwanag ni Lee, noong March 22, 2020, ang anesthesiologist na si Dr. Romeo “Greg” Macasaet ay isa sa unang healthcare workers sa ating bansa na nasawi dahil sa COVID-19.


Binanggit din ni Lee, na ang Pilipinas din ay isa sa “world’s biggest suppliers” ng nurses at sila ay kasama ng iba pang frontliners na lumaban sa giyera kontra pandemya.

Sa panukala ni Lee, ang Department of Health o DOH ang magsisilbing “lead agency” sa paghahanda, promosyon at implementasyon ng taunang programa o mga aktibidad para sa naturang araw.

Facebook Comments